PINAIIMBESTIGAHAN | Resolusyon, inihain na sa Kamara para imbestigahan ang P6.8 billion shabu smuggling

Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Marikina Rep. Miro Quimbo ang patuloy pa rin na pagpasok sa bansa ng large-scale smuggling ng iligal na droga sa Pilipinas.

Sa House Resolution 2068 na inihain ni Quimbo sa Kamara, nais nitong ipasiyasat ang P6.8 Billion na halaga ng iligal na droga na nakapasok sa bansa gayundin ang pagpapabusisi sa ‘inability’ o kawalang kakayahan ng Bureau of Customs para pigilan ang paglusot ng droga sa Pilipinas.

Naniniwala si Quimbo na patuloy ang korapsyon at incompetence sa ahensya dahil hindi mangyayari ang mga ito kung walang sabwatan mismo sa mga BOC personnel .


Ipinapakita lamang din na ang inability at unwillingness na pigilan ang pagpasok ng kontrabando ay patunay na palpak ang war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay Quimbo, nakakabahala at hindi katanggap-tanggap sa kabila ng reporma na ipinangako noon ng Customs sa pagkakahuli sa P6.4 Billion shabu smuggling case na inimbestigahan noong nakaraang taon sa Kamara.

Sa kabila ng resolusyon, tuloy pa rin ang moto propio investigation bukas ng House Committee on Dangerous Drugs sa P6.8 Billion shabu smuggling.

Facebook Comments