PINAKABATANG KINATAWAN NG CAGAYAN SA TAEKWONDO POOMSAE CHAMPIONSHIP INTERNATIONAL, NAKAKUHA NG BRONZE MEDAL

Cauayan City, Isabela- Nakamit ng pinakabatang contender ng Lalawigan ng Cagayan ang Bronze medal sa katatapos lamang na ONE Taekwondo Poomsae Championship International na isinagawa via online.

Si Dave Quinzy D. Buendia, 12 taong gulang, Grade 6 pupil ng Tuguegarao North Central School ay ang pinakabatang pambato ng Cagayan sa larangan ng Internasyonal na patimpalak sa Cadet Solo Category.

Ang ONE Taekwondo Poomsae Championship International ay dinaluhan ng mga mahuhusay sa Taekwondo mula sa mga bansang USA, Canada, Indonesia, Malaysia, Cambodia, Slovenia, Thailand, Greece, Finland, Italy, Singapore, Macau at France.


Dinaluhan din ito ng mga prominente at mahuhusay na taekwondo masters mula sa iba’t ibang bansa na pinangunahan ni Master Soom Min Jang ng Estados Unidos.

Si Dave Quinzy Buendia ay 2nd Degree Black belter at nakilahok na rin sa iba’t ibang international at regional competitions sa taekwondo at nagkamit pa ito ng mga medalya.

Lubos naman ang pagmamalaki ng kanyang coach na si Ian Ulysses Buendia mula sa Black Hawk Taekwondo Club at buong pamilya ni Dave sa ipinamalas nitong talento sa larangan ng taekwondo.

Facebook Comments