MANILA – Naitala ngayon ang pinakamababang antas ng bilang ng mga pinoy na nakararanas ng gutom, simula sa nakalipas na labing dalawang taon.Batay sa social weather stations survey ngayong 3rd quarter ng taon nakapagpatala ng pinakamababang self-rated hunger rate na aabot sa 10.6 percent.Katumbas ito ng 2.4 million na pamilyang nagsabing sila ay nakararanas ng involuntary hunger.Ito na ang pinakamababang antas simula noong March 2004 kung saan nakapagtala ng mababang 7.4 percent lamang.Nasa 9.1 percent naman ang nagsabing sila ay nakararanas ng moderate hunger at 1.5 percent ang nagsabing sila ay nakararanas ng severe hunger.Ang 3rd quarter’s hunger rate ay mas mababa rin ng 4.6 points kumpara sa nagdaang quarter na nakapagtala 15.2 percent o katumbas ng 3.4 milyon na pamilya.
Pinakamababang Antas Ng Bilang Ng Mga Nakakaranas Ng Gutom, Naitala Ngayon
Facebook Comments