Nakapagtala ng 1,019 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.
Bahagya itong bumbaba kumpara sa 1,427 na kaso kahapon kung saan ito ang pinakamababang naitalang kaso ngayong taon.
Dahil dito, umabot na sa 3, 654,284 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 56,668 ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 2,988 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3, 541,840 na ang recoveries.
Samantala, sumampa na sa 55,776 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 13 ngayong araw.
Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 20 habang may limang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.
Facebook Comments