POLO Hong Kong, tumutulong na rin sa OFWs doon na naapektuhan ng 5th wave

Tumutulong na rin ang POLO o Philippine Overseas Labor Office sa Hong Kong sa mga Pilipino roon na tinamaan ng COVID-19.

Sa harap ito ng ikalimang wave ng COVID-19 na nararanasan ngayon sa Hong Kong.

Sa ngayon, 60 Overseas Filipino Workers (OFWs) doon ang panibagong tinamaan ng Coronavirus.


Agad naman silang pinuntahan ng mga tauhan ng POLO Hong Kong para sa medical assistance.

Binigyan din sila ng POLO sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng 200-US dollars hanggang sa 400-US dollars na tulong pinansyal.

Facebook Comments