Manila, Philippines – Isang burger ang tinanghal na pinakamahal sa buong mundo matapos itong maipagbenta sa halagang $10,000 o katumbas ng higit kalahating milyong piso.
Ang 88-anyos na si Asma Al Fahim na may-ari ng isang lifestyle magazine ang bumili sa burger matapos siyang manalo sa bidding.
Pitong beef patties na kumakatawan sa pitong emirato ng United Arab Emirates ang pangunahing laman ng dambuhalang burger.
Bukod sa mga ito ay nakapalaman din sa buns ang iba pang mga mamahaling sangkap katulad ng aged cheddar cheese at bacon na gawa mula sa karne ng guya.
Ang isa sa mga lumikha sa napakamahal na burger ay si sheikh mohammed bin abdullah al thani na miyembro ng royal family ng Qatar.
Sa kabuuan, nakalikom ang nasabing auction ng halos $30,000 o P1.5 milyon na ilalaan sa pagpapalawig ng breast cancer awareness at sa pagbibigay ng libreng medical check-up para sa publiko.
Facebook Comments