Pinakamalaking Balikatan exercices sa bansa, aarangkada simula bukas

Kasado na ang pinakamalaking Balikatan exercises sa bansa na mag-uumpisa bukas

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar, pinaghandaan ng halos isang taon ang nasabing pagsasanay.

Ani Aguilar, mas maraming component ang training exercise ngayong taon kung saan kasama rito ang maritime and territorial defense gayundin ang combat and non-combat components tulad ng counter-terrorism and humanitarian assistance and disaster response.


Tinatayang nasa 17,000 ang lalahok sa nasabing Balikatan exercises.

Sa nasabing bilang 12,000 sundalo ang mula sa Amerika habang 5,000 mula sa panig ng AFP at mayroon ding mula sa Australian defense force na magsisilbing mga observer.

Nabatid na ang idaraos na Balikatan exercise bukas ay ang ika-38 pagsasanay na kasama ang mga sundalong Amerikano.

Facebook Comments