Espenido, magdadasal sa pagtapak sa Iloilo City

Iloilo City – Magdasal.

Ito raw unang gagawin ni Police Chief Insp. Jovie Espenido sa pagtapak nito sa lungsod ng Iloilo City.

Aniya hihingi siya ng wisdom sa Panginoon upang gabayan siya sa kanyang mga gagawin sa Iloilo City na ikinokonsiderang shabulized city ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Magko-courtesy call din si Espenido kay PNP region 6 regional Chief Supt. Cesar Hawthorne.

Standard Operating Procedure, aniya ito para magkilala nila ang isa’t isa.

Sa ngayon aniya mas maganda ang may transparency, ayaw niya raw mapahiya ang pamahalaan sa kanyang mga hakbang.

Facebook Comments