Manila, Philippines – Kasabay ng buwan ng wika sa Agosto, hindi muna mapapanood sa mga sinehan ang mga pelikula mula sa ibang bansa. Panay gawang pinoy ang ipapalabas para sa pista ng pelikulang pilipino at sine kabataan.
Ayon kay Liza Diño, Chairperson ng Film Development Council of the Philippines – ngayon pa lang ay matinding preparasyon ang kanilang ginagawa katuwang ang National Youth Commission na pnamumunuan ng ka-partner nito na si Aiza Seguerra.
Bukod sa sampu hanggang sa labing dalawang full length movies na pipiliin ng committee, pipili din ng isang dosenang bagong short film sa sine kabataan na sabay na ipapalabas sa mahigit 800 sinehan sa bansa.
Sa June 30 ang deadline short film entry habang pasok din ang mga pelikulang ginawa mula 2015 na hindi nagkaroon ng commercial run.
Binigyang pugay din nina Liza at Aiza si Mother Lily Monteverde dahil hindi daw makukumpleto ang history ng pinoy cinema kung hindi mababanggit ang pagtaguyod nito sa lahat ng klase ng filmmakers.
DZXL558