Cauayan City, Isabela- Naitala sa Lalawigan ng Isabela ang may pinakamaraming kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa buong Lambak ng Cagayan.
Batay sa huling tala ng DOH 02, mula sa kabuuang kaso na 833 sa rehiyon dos ay nakapagtala ang probinsya ng Isabela ng 401 ‘confirmed cases’ na malayong mas marami kumpara sa ibang mga probinsya sa rehiyon.
Labing dalawa (12) ang naidagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa Isabela at nasa 300 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa nasabing sakit.
Nakapagtala na rin ng dalawang (2) casualty sa COVID-19 ang Isabela na nagdadala sa kabuuang bilang na siyam (9) nasawi sa Cagayan Valley.
Ang probinsya naman ng Cagayan ay mayroong total cases na 286; tatlumput anim (36) sa Santiago City, 106 sa Nueva Vizcaya at apat (4) sa Quirino.
Hanggang ngayon ay nananatili pa rin COVID-19 free ang probinsya ng Batanes.