Pinakamataas na dinidendo ng Pag-IBIG Fund, ibinida ni Pangulong Marcos

Ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr., ang pinakamataas na dibidendo ng Pag-IBIG Fund mula nang tumama ang COVID-19 pandemic.

Ito’y makaraang umabot sa 6.35 percent ang regular saving dividend rate nito noong 2022 at lumobo sa 7.03 percent per annum ang Modified Pag-IBIG 2 (mp2) savings.

Ang dividend rates sa savings ng mga miyembro ng ahensya ang tampok sa Pag-IBIG Fund Chairman’s Report for 2022, kung saan nagbigay ng mensahe si Pangulong Marcos, sa harap ng members, partners at stakeholders.


Sinabi ng Punong Ehekutibo na ipinagmamalaki niya ang matagumpay na pagbibigay ng affordable shelter financing ng Pag-IBIG na itinatag noong panunungkulan ng kanyang ama na si yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Naitala ng Pag-IBIG Fund ang best performing year nito noong 2022 makaraang pumalo sa record high ang net income nito na 44.50 billion pesos na mas mataas ng 28% mula sa 34.69 billion pesos noong 2021.

Facebook Comments