Pinakamataas na heat index, naitala ng PAGASA sa Dapupan City

Naitala ng PAGASA ang pinakamataas na heat index temperature kahapon , April 30, sa Dagupan, Pangasinan na umabot sa 50 degrees Celsius.

Naitala ito dakong alas-5:00 ng hapon.

Ang heat indez ay tumutukoy sa temperature na nararamdaman ng isang tao na taliwas naman sa aktwal na air temperature.


Ilang lugar din sa bansa ang nakapagtala ng heat index na mas mataas pa sa 40 degrees Celsius kabilang ang:

Aparri, Cagayan: 46ºC
Laoag City, Ilocos Norte: 44ºC
Casiguran, Aurora: 42ºC
Masbate City, Masbate: 42ºC
NAIA, Pasay City: 42ºC

Matatandaang mula March 1 hanggang April 30, sa Dagupan City rin naitala ang pinakamataas na heat index na umabot sa 54ºC noong April 22 dakong alas-2 ng hapon.

Itinuturing ng PAGASA na “danger” zone ang mga lugar na may heat index na 42ºC hangang 51ºC, habang “extreme danger” kapag umabot sa 52ºC pataas.

Sa mga lugar na may heat index na danger zone, maaaring makaranas ang mga residente ng heat cramps at heat exhaustion, at posibleng atakihin ng heat stroke.

Sa mga lugar naman na nasa extreme danger, malaki rin ang tiyansang makaranas ng heat stroke.

Kaya payo ng weather bureau sa publiko, limitahan ang oras sa labas ng bahay, pagbababad sa sikat ng araw, uminom ng maraming tubig, umiwas sa pag-inom ng tsaa, kape, softdrinks at alak na malakas maka-dehydrate.

Facebook Comments