Natukoy ng Department of Health (DOH) ang mas maagang kaso ng COVID-19 sa bansa mula sa sample na nakuha noong Marso.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang sample ay nakuha mula sa isang Returning Overseas Filipino (ROF) na may travel history sa China.
Aniya, una na nilang nai-report na ang pinakaunang kaso ng Delta variant sa bansa ay mula sa mga sample sa dalawang overseas Filipinos na umuwi noong Mayo galing India.
Batay sa DOH, umabot na sa 36.89 percent o katumbas ng 6,612 ang Delta variant cases sa bansa.
Habang 19.96 percent naman ang Beta variant cases at 17.46 percent ang Alpha variant cases.
Facebook Comments