PINALAGAN | Aiko Melendez, pumalag sa mga bashers nito dahil sa pakikipag-relasyon sa isang mayor

99

Manila, Philippines – Pumalag ngayon ang aktres na si Aiko Melendez sa mga bashers nito matapos niyang aminin na nakikipag-relasyon siya kay Subic Mayor Jay Khonghun.

Sa kaniyang instagram post, sinabi ni Aiko na pinili nilang dalawa ni Khonghun na magmahalan sa isa’t-isa at wala daw siyang pakialam sa mga sasabihin ng iba kaya at hayaan na lamang silang maging masaya.

Say pa ni Aiko na hindi din daw siya papa-apekto sa mga kritiko niya basta at patuloy lang daw siya sa kanyang buhay partikular sa pagta-trabaho at ang happy moments na kasama ang kaniyang boyfriend na mayor ng Subic.

Sa huli, bahala na lang daw ang nasa itaas sa mga taong naninira ng ibang buhay ng tao at mahilig magsalita ng masasama sa kanilang kapwa.

Facebook Comments