PINALAGAN | Pagpapadala ng sangkaterbang sundalo at mga pulis sa Boracay, kinuwestyon ng liderato ng LP

Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Liberal Party o LP President Senator Kiko Pangilinan ang pagpapadala ng higit 600 tauhan mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces, Coast Guard, Bureau of Fire Protection (BFP), at mga civic group sa Boracay kaugnay sa anim na buwang pagsasara nito.

Diin ni Pangilinan, ang isla ng Boracay ay isang tourist destination.

Hindi aniya conflict area o war zone ang Boracay at walang terorista o sasalakay dito.


Ayon kay Pangilinan, nakakahiya na dine-deploy ng administrasyon ang militar, pulis, at coast guard sa Boracay habang lantarang nanghihimasok ang China sa ating teritoryo at hindi ginagalang ang ating soberenya.

Para kay Pangilinan, ang tanging banta sa isla ng Boracay at sa mga residente nito ay ang pamahalaang nag-utos sa pagpapasara ng Boracay nang walang plano para sa sa 36,000 na kataong mawawalan ng trabaho.

Facebook Comments