Pinalulutang na ‘new model’ ng China sa Ayungin Shoal, zombie story – PN

Tinawag na ‘zombie stories’ ng Philippine Navy (PN) ang pinalulutang ng China na new model arrangement sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, ang kwentong ito ay tila patay na ngunit muling binuhay mula sa libingan.

Iginiit ni Commodore Trinidad na hindi dapat paniwalaan ang mga ganitong kwento na pawang imbento at gawa-gawa lamang ng imahinasyon ng China.


Layon lamang aniya ng China na ilihis ang atensyon ng publiko mula sa kanilang patuloy na paglabag sa International Law at sa karapatan ng Pilipinas sa nasabing lugar.

Sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na wala silang balak na magbigay ng komento sa walang katibayan, hindi beripikado at kwestyunableng sources ng China.

Facebook Comments