Magkatuwang na ininspeksiyon nina Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso at Environment Secretary Roy Cimatu ang mahabang estero na pinamamahayan ng mahigit 70 Informal Settlers Families o ISFs sa Leveriza St., Malate, Maynila.
Sa nasabing bilang ay 20 na lamang na pamilya ang natitira ngayon sa lugar na kailangang ilikas para sa kanilang kaligtasan.
Nagpahayag din ng kasiyahan si Moreno sa ginawang relokasyon nh gobyerno sa mga ISF sa barangay 718 na inilipa na lamang sa Metro Manila upang hindi maapektuhan ang kanilang trabaho at pag-aaral ng mga anak
Nakita rin ang dating stagnant at maruming tubig na ngayon ay hindi na kulay-burak at unti-unti na itong dumadaloy.
Natuklasan din sa ginawang inspeksiyon na sinakop na ng mga nagtataasang condonium at iba pang establishment ang mga estero at nilampasan na rin ang tatlong metrong layo sa mga waterways.
Ayon kay Moreno, sa sandaling matanggap na niya ang Cease and Desist Order ng DENR ay kaniya itong ipatutupad.