Manila, Philippines – Pinangangambahang mauwi sa giyera ang pagsasagawa ng military drills sa West Philippine Sea.
Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos kumpirmahin ng Estados Unidos ang paglulunsad nito ng “complex” warfare drills sa nasabing karagatan.
Sa isang ambush interview, sinabi ng Pangulo na anumang military activity sa West Philippine Sea ay maaaring mag-udyok sa china na magbigay ng military response at mauwi sa giyera.
Wala aniya siyang pakialam kung maggiyera ang mga bansa, pero katabi ng Pilipinas ang West Philippine Sea kaya ang ating bansa ang pinakaunang maaapektuhan.
Samantala, ang nasabing drill ay nilahukan umano ng isa sa pinakamalaking war exercises ng dalawang U.S. Aircraft Carriers kasama ang nasa 150 fighter jets.