TIYAK! | Dating First Lady Imelda Marcos – bibisitahin ni Pangulong Duterte sakaling makulong

Manila, Philippines – Tiyak nang may bibisita kay dating first lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos kapag nakulong ito.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – maaaring bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte si ginang Marcos.

Pero sa ngayon, malinaw na hindi makikialam ang Pangulo sa kasong graft na kinahaharap ng dating unang ginang.


Marahil aniya ay iniisip ng publiko na close o matalik na magkaibigan sina Pangulong Duterte at Marcos pero hindi naman daw nagpapa-apekto sa closeness nila ang Pangulo.

Matatandaang ilang beses nang ibinida ng Pangulo na malapit siya sa pamilya Marcos lalo’t isa si Ilocos Norte governor Imee Marcos sa mga sumuporta sa kanyang kandidatura noong 2016.

At sa lahat ng mga naging presidente ng bansa, tanging si Duterte lang ang pumayag na mailibing sa libingan ng mga bayani ang diktador na si Ferdinand Marcos.

Facebook Comments