PINANGANGAMBAHAN | Presyo ng mga pangunahing bilihin, magtaas kapag naipatupad na ang dagdag na fuel excise tax sa Enero

Manila, Philippines – Pinangangambahang magtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin kasunod na rin desisyong ituloy ang dagdag na fuel excise tax sa 2019.

Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua – ginagamitan ng transportasyon ang mga pangunahing bilihin gaya ng mga karne, gulay at prutas kapag idini-deliver ito sa mga palengke.

Dagdag gastos pa aniya rito ang mga incidental expenses tulad ng christmas rush, traffic at pahirapan sa pagpa-park.


Dahil dito, hinamon ni cua ang pamahalaan na ipakitang ginagamit ang buwis sa pagpapagawa ng mga imprastraktura.

Para naman kay United Filipino Consumers and Commuters President RJ Javellana – dagok sa mga konsyumer ang ikalawang bugso ng excise tax lalo’t hindi pa sila nakakabangon sa mga nagdaang taas-presyo.

Nanawagan pa si Javellana sa Pangulong Duterte na palitan ang kanyang mga economic manager.

Facebook Comments