Pinaniniwalaang wreckage ng nawawalang Piper plane sa Isabela, natagpuan na

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na natagpuan na ang pinaniniwalaang wreckage ng nawawalang Piper PA-32-300 aircraft sa Isabela.

Ayon sa CAAP, ang wreckage ay natukoy via helicopter sighting.

Hindi pa matukoy ng CAAP ang kundisyon ng piloto at ng sakay nito.


Kinumpirma rin ng CAAP na kaninang umaga ay dalawang choppers ng Philippine Air Force ang umalis ng Cauayan Airport para tumulong sa paghahanap sa Piper plane.

Sa ngayon, nasa ground na rin ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) investigators ng CAAP.

Agad silang tutulong sa search and rescue operations sa sandaling matukoy na ang eksaktong lokasyon ng eroplano.

Facebook Comments