Muling pinasaringan ni U.S. President Donald Trump ang Paris climate agreement sa gitna ng mag-iisang buwan nang kilos-protesta sa Paris na binansagang “Yellow Vest Protest”.
Ayon kay Trump, napapanahon nang itigil na ang aniya ay katawa-tawa at napakamahal na kasunduan, at ibalik daw ang pera ng mga tao sa pamamagitan ng mas mababang buwis.
Matatandaan na ni-reject ni Trump ang naturang kasunduan at sinabing “fatally flawed” ito.
Bukod sa isyu ng climate change, ang protesta ay laban din sa fuel tax hikes at mataas na living costs sa Paris.
*Samantala…* Kinumpirma mismo ni Trump ang pagbaba sa pwesto ng kanyang chief-of-staff na si John Kelly sa katapusan ng taon.
ITO na ang pinakahuli sa serye ng pagbalasa ng US President sa kanyang “inner circle”.