WBA CHAMPIONSHIP | Broner – kumpiyansang patutulugin sa loob ng ring si Pacquiao sa kanilang laban sa Enero

1218

Manila, Philippines – Lalo raw lumakas ang loob ni four-division world champion Adrien Broner para ma-upset ang WBA “Regular” Champion na si Sen. Manny Pacquiao sa kanilang magiging sagupaan sa MGM Grand Las Vegas Nevada sa January 19, 2019.

Ayon sa Promoter na si Leonard Ellerbe, tiyak umanong magbabago ng husto ang career ni Broner sakaling mapatulog niya ang Pinoy boxing icon.

Una nang nagyabang si Broner na isasama niya sa listahan ang fighting senator sa pampitong kaliwete na kanyang pinatulog.

Si Broner ay may 33 panalo, 3 talo, at isang tabla, kung saan ay 24 sa kanyang 33 panalo ay galing sa knock out, umaabot na raw sa limang mga left handers ang kanyang na-knockout mula sa anim na tinalo.

Samantala para naman sa Hall of Fame trainer na si Freddie Roach, bagama’t delikadong kalaban si Broner, papatayin daw ito sa suntok ni Pacman ma may 60 panalo, 7 talo at dalawang tabla, 39 na panalo ay mula sa knock out.

Facebook Comments