Manila, Philippines – Pinasisilip ni Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe ang ticketing system at iba pang terminal fees na ipinapataw sa mga pasahero sa mga bus terminals.
Ito ay matapos makatanggap ng maraming reklamo sa kanyang tanggapan ang kongresista kaugnay sa hindi maayos na polisiya at hindi malinaw na guidelines sa ibang mga bayarin sa mga bus terminals.
Batay sa mga reklamong nakaabot sa mambabatas, may mga bus terminals na hindi nagbibigay ng ticket reservations dahilan kaya nagiging overcrowded sa mga bus terminals lalo na pag peak season.
Inirereklamo din ang physical condition ng mga bus terminals na kulang sa pasilidad.
May mga reklamo din tungkol sa paniningil ng terminal fees at baggage insurance fees na walang malinaw na guidelines at wala ding otorisasyon mula sa LTFRB.
Giit ng kongresista, hindi natutumbasan ng maayos na serbisyo sa mga bus terminals ang ibinabayad ng mga pasahero.
Ngayon aniyang pumasok na ang “BER” months, dapat na ayusin ang anumang problema sa mga bus terminals para sa maayos at komportableng byahe ng publiko.