PRE-TRIAL CONFERENCE | Sen. De Lima, dumating na sa Muntinlupa RTC 205

17

Quezon City – Dumating na sa Muntinlupa City Hall of Justice si Senador Leila De Lima mula sa Camp Crame sa Quezon City.

Pagdating sakay ng police van, sinalubong naman ito ng kanyang mga taga suporta.

Bantay sarado naman sa mga tauhan ng Muntinlupa City Police Station ang entrada ng Hall of Justice.

Matatandaan na tatlong kaso na isinampa ng Department Of Justice (DOJ) laban kay Senador Leila De Lima.

Mga kaso na may kinalaman sa pagkakasangkot ng senador sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP).

Kabilang sa mga kasong isinampa sa Muntinlupa Regional Trial Court laban sa senador ang paglabag sa Section 5 na may kaugnayan sa Section 3, Section 26 at Section 28 ng Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 o RA 9165.

Ngayong araw gugulong ang pre-trial conference ng kaso laban kay De Lima sa sala ni Muntinlupa RTC Branch 205 Judge, Lorna Navarro-Domingo.

Facebook Comments