Isang Filipino domestic worker sa Hong Kong ang isinailalim sa quarantine matapos na ma-expose sa dalawang bisita ng kanyang amo na nag-positibo sa bagong strain ng coronavirus.
Gayunman, hindi nakitaan ng anumang senyales ng NCov ang pinay.
Tiniyak naman ng konsulada ng Pilipinas na mahigpit ang ugnayan nito sa hong kong Department of Health para mamonitor ang sitwasyon ng pinay at maibigay ang tulong na kailangan nito.
As of October 2019, aabot sa 238,000 ang mga Pilipino sa Hong Kong kung saan 219,000 rito ang domestic workers habang halos 20,000 ang permanenteng residente.
Samantala, ilang sikat na pasyalan sa China, kabilang ang Hong Kong Disneyland at Ocean Park ang pansamantalang isinara para maiwasan ang pagkalat ng NCov.
Sa pinakahuling datos, umabot na 56 na ang nasawi dahil sa NCov habang 1, 975 ang pasyenteng apektado ng sakit.