
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na na-rescue na ang Pinay Overseas Filipino Workers (OFW) sa Hong Kong na si alias Bernadette.
Ang naturang OFW ang siyang nasa viral video habang sinasaktan ng kanyang employer.
Ayon sa DMW, ligtas na ang Pinay at nasa isang protectd shelter na ito sa Hong Kong.
Dinala rin sa pagamutan ang OFW ng Migrant Workers Office (MWO) Assistance-to-Nationals (ATN) para sa medical examination bago siya inilipat shelter.
Patuloy naman na mino-monitor ang kalagayan ng OFW habang hinihintay ang resulta ng medical results.
Hahanapan din ang Pinay ng Hong Kong Labor Attaché para maghain ng pormal na reklamo laban sa kanyang employer.
Facebook Comments










