SUSPEK SA PAMAMARIL SA KALINGA, NAHULI NA

28
Arestado ng mga awtoridad ang suspek sa pamamaril sa isang resto bar sa Brgy. San Juan, Tabuk City, Kalinga noong Setyembre 8, 2022.

Sa ibinahaging impormasyon ng Tabuk City Public Information Office, kinilala ang suspek na si Hansky Sagmayao, 21-taong gulang, habang ang iba namang kasamahan nito ay sina Marvin Guevara, 21-tang guang; Bryan Baggas, 23-taong gulang; at Edward Palat, 33-taong gulang pawang mga tubong Kalinga.

Natatandaan na nag-iinuman sa isang resto bar ang mga biktima nang lapitan sila ng suspek at pinagbabaril ang dalawa ng ilang beses.

Dead on arrival ang biktimang si Jogie Cabicungan, 37-taong gulang na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang likod at dibdib habang si Orland Pascual ay sugatan matapos tamaan ng bala sa tiyan at siko.

Ang gunman pati na ang kanyang tatlong kasamahan ay tumakas patungong Brgy. Bulanao Centro, Tabuk City ngunit nadakip rin ng kapulisan sa isinagawang hot pursuit operation.

Lahat ng suspek ay pansamantalang nakakulong sa Tabuk CPS para sa karagdagang imbestigasyon at sasampahan ng kaukulang kaso.

Facebook Comments