Manila, Philippines – Kinumpirma ng Taiwanese authorities na nasa stable ng kalagayan ang Filipina migrant worker na na-trap at na-rescue sa sunog sa isang pabrika sa Changhua County sa Taiwan.
Ang trenta y singko anyos na Pinay na kinilala lamang sa pangalang Anney ay wala namang natamong mga sunog sa katawan.
Siya ay nilalapatan ngayon ng lunas sa Changhua Christian Hospital dahil sa smoke inhalation.
Nabatid na ang nasunog na pabrika ay kilala sa pagpipintura ng mga biseklita.
Sa ngayon, wala pang maibigay ang Dept. of Foreign Affairs na buong pangalan ng Pinay at kung anong tulong na ang naipa-abot sa kanya ng Manila Economic and Cultural Office o MECO sa Taiwan.
Facebook Comments