Marawi City – Sinimulan na kahapon (April 1) ng task force Bangon Marawi at ng pamahalaang lungsod ang pagpapabalik sa ground zero ng nasa lima hanggang pitong libong mga Bakwit na naapektuhan ng bakbakan sa Marawi City.
Pinayagan ng militar na makabalik sa kanilang bahay ang mga Bakwit para kunin ang ilan pa nilang mga gamit.
Unang pinapasok sa lugar ang mga residente mula sa dalawang barangay sa siyudad.
May tatlong araw sila para hakutin ang kanilang mga gamit mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.
Samantala, umabot na sa 1,000 temporary shelters ang naipatayo sa Marawi sa gitna ng ginagawang rehalibitasyon doon.
Facebook Comments