
Panganisan – Halos anim na raang magsasaka ang apektado ng pamiminsala ng
army worms sa limang bayan ng Panganisan.
Kasama diyan ang bayan ng bayangbang at bautista kung saan nakataas na
ngayon ang State Of Calamity.
Pero sa interview ng RMN Manila kay Pangasinan Provincial Agriculturist
Dalisay Moya, nilinaw niya na hindi kasama ang mga palay sa tinamaan ng
peste.
Sa halip, mas tinamaan daw ngayon ang sibuyas.
Sa ngayon ay wala pang maibigay na datos ang mga otoridad sa napinsala ng
peste. Inuuna raw kasi nila ang pagsugpo rito.
Agad na inaprubahan ng pamahalaan ang paglalabas pondo para sa mga
fertilizer na ipinamahagi sa mga magsasaka para agad na mapatay ang
umatakeng army worms.
Facebook Comments









