
Iprinisinta ng National Bureau of Investigation o NBI sa media ang Pinoy na naaresto ng mga awtoridad sa Singapore dahil sa kasong syndicated estafa.
Ang akusadong si Evan Jessie Y. Sabilla, na kilala rin bilang Eddie Jessie Y. Sabilla, ay papasok sana ng Singapore nang maharang ito ng Singaporean Immigration.
Agad namang nakipag-ugnayan sa NBI ang Interpol sa Singapore para mai-turn over si Sabilla.
Ayon sa NBI, nag-order ang akusado ng malaking volume ng computer laptops at ang inisyu nitong mga tseke ay tumalbog.
Si Sabilla ay may kinahaharap na warrant of arrest sa Pasay City Regional Trial Court (RTC), Branch 108 dahil sa kasong syndicated estafa.
Ang akusado ay naka-detain ngayon sa NBI Detention Center sa Muntinlupa City, habang naghihintay ng commitment order ng korte.









