
Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na walo pa lamang ang validated election related incidents (ERI) sa bansa buhat nang magsimula ang election period noong January 12, 2025.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo mula ito sa Region 1, Region 9, Region 12 na kapwa may naitalang tig-iisang validated ERI, dalawa mula sa Region 6 at tatlo mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinabi pa ni Fajardo na apat na ang naitalang patay sa kasagsagan ng panahon ng halalan at apat din ang nasaktan.
Paglilinaw ni Fajardo, galing ang datos sa 23 suspected election-related incidents mula Enero 12 na magkaiba sa sinabi ni Commission on Elections o Comelec Chairman George Erwin Garcia kahapon na umabot na sa 29 ang ERI mula pa noong Oktubre ng nakalipas na taon.