Pinoy na nagtangkang maglabas ng halos USD274,000 patungong Hong Kong, naharang sa NAIA

Naharang ng Security Screeners Officers (SSO) ng Office of Transportation Security (OTS) sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3 ang isang Pilipino na patungong Hong Kong.

Ito ay matapos na magtangka ang Pinoy na maglabas ng undeclared cash na USD$273,905 o mahigit 16-million pesos.

Nabatid na nakalagay ang pera sa check-in luggage ng pasahero na pasakay sana ng Cathay Pacific flight.


Ayon sa OTS, nabigo ang pasahero na magpakita ng clearance o permit mula sa Banko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa ilalim ng batas, ang pinahihintulot lamang na paglabas o pagpasok ng pera ng bansa ay USD10,000, maliban na lamang kung may clearance o permit mula sa BSP.

Facebook Comments