Nag-viral na security guard na nagtaboy sa ‘Sampaguita girl’, nakapaghain na ng kontra-salaysay sa PNP

Nakapagsumite na ng kaniyang counter-affidavit ang security guard at kaniyang security agency sa Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG).

Ayon kay PNP-CSG Spokesperson Lt. Eudisan Gultiano, inihian ito sa pamamagitan ng kinatawan ng guwardya at kaniyang security agency.

Samantala, binigyan rin ng notice to appear ng PNP-CSG ang nag-viral na ‘Sampaguita girl’ upang magbigay ng paliwanag sa nangyaring insidente.


Ipinaliwanag ni Gultiano na kung hindi sisipot si ‘Sampaguita girl’, ang preliminary evaluation ng kaso ay ibabatay sa counter-affidavit at sa iba pang ebidensya mula sa imbestigasyon.

Tatagal ang preliminary evaluation ng PNP-CSG ng hanggang pitong araw.

Facebook Comments