3 kidnaper ng isang negosyante, nahatulan ng reclusion perpetua

Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 223 ng reclusion perpetua ang tatlong miyembro ng kidnap for ransom group.

Ito ay matapos ang mahigit 12 taong paghahanap ng hustisya ng negosyanteng si Sally Vergara Chua.

Sa desisyon ni Judge Caridad Walse Luterio ng QC -RTC Branch 223, guilty beyond reasonable doubt sa kasong kidnapping sina Ramil Macamay, Riccente Padillo at Rodante Cabaylo.


Aabot sa 20 hanggang 40 years ang hatol ng hukom na pagkakakulong laban sa tatlo.

Hindi rin sila makakapag-avail ng parole.

Ayon sa Movement for Restoration of Peace and Order, patunay ito na gumugulong ang hustisya sa bansa.

Si Chua ay dinukot noong 2013 kapalit ng P15-M.

July 11, 2013, nang tangkain na i-withdraw ang pera sa bangko sa Davao City, isinagawa naman ng PNP-Anti Kidnapping Group at Davao City Police ang pag-rescue sa biktima.

Naaresto sa loob ng bangko si Macamay habang napatay naman ng mga pulis ang tatlong iba pang suspek.

Naaresto naman sa hiwalay na operasyon sina Padillo at Cabaylo.

Facebook Comments