Pinoy nurse sa US, gumagawa ng pangalan sa larangan ng sports

Nanatili pa rin sa ikatlong pwesto sa ginaganap na 2019 Moab, 240 miles endurance run sa Utah, USA ang isang Pinoy nurse na nakabase sa New York, USA.

As of 6:58 AM (Manila time) May 139.1 milya na ang tinahak ni Ramon Ferrer Jr. sa loob ng 2 araw, 9 oras, 59 minuto at 17 segundo mula ng pasimulan ang endurance run noong Biyernes, October 11.

Nasa unahang bahagi si Zachary Molloie, na may 138.8 milya na ang natatakbo kasunod si Tommy Jacobsen na may record na 14.9 miles.


Pinasimulan ang footrace noong October 11 na magtatapos sa October 15 na may 121 male and female participants.

Hindi madali sa mga participants ang pagsali sa 240 mile race o katumbas ng 386.243 kilometers dahil kabilang sa mga dadaanan ay ang mainit na disyerto, canyonlands, slick rock at dalawang bolubunduking lugar.

Kampante naman ang Pinoy runner na makukumpleto nito ang karera bago pa man ang October 15.

Si Ferrer ay ilang beses na ring nagwagi sa marathon competition sa iba’t ibang lugar sa US mula nang magtrabaho ito sa New York bilang nurse.

Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Nursing at Bachelor of Science in Physical Therapy sa Fatima University sa Quezon City noong 2001 at 2002.

Facebook Comments