Pinsala ng Bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura, umabot na sa P3.16B

Sumampa na sa P3.16 billion ang pinsalang iniwan ng Bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Sa datos mula sa Department of Agriculture, umabot na sa 197,811 metric tons ng mga pananim ang nasira mula sa 84,677 ektaryang taniman sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao at SOCCSKSARGEN.

Nasa 83,704 na mga magsasaka at mangingisda naman ang apektado ng bagyo.


Pinakamarami sa mga napinsala ay mga pananim na palay, mais, high-value crops, fisheries, livestock at poultry.

Ilang agriculture infrastructure, machinery and equipment din ang nasira ng bagyo.

Samantala, patuloy ang pagkakaloob ng DA ng tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda kabilang ang nasa P1.74 billion na halaga ng rice seeds; P11.57 million na halaga ng cord seeds at P20.01 million na halaga ng assorted vegetable seeds.

Mayroon ding P176,000 na halaga ng animal heads, gamut at biologics para sa livestock at poultry gayundin ng fingerlings at iba pang tulong mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Maaari rin silang mangutang ng hanggang P25,000 sa ilalim ng Survival and Recovery Loan Program at maaari nila itong bayaran sa loob ng tatlong taon nang walang interes.

Facebook Comments