Pumalo na sa P5.7 billion ang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa El Niño phenomenon.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, higit pa ito sa initial forecast nilang P1.7 billion.
Aniya, may mga ulat din na posibleng umabot sa P7.4 billion ang pinsala dahil sa El Niño, pero ang na-validate lamang ng ahensya ay P5.7 billion.
Sa kabila nito, tiniyak ni Cayanan na hindi magreresulta sa shortage ng supply ng bigas at mais ang pinsala ng tagtuyot.
Facebook Comments