Mula sa P1.93 billion, pumalo na sa P3.70 billion ang pinsala at lugi sa sektor ng agrikultura bunga ng pananalasa ng nagdaang bagyong si Tisoy.
Ayon sa Department of Agriculture Disaster Risk Reduction and Monitoring Center, umabot na ng 195,046 metric tons ang production loss sa palay, mais at high value crops kasama ang livestock, at fisheries.
Apektado dito ang 132,166 ektarya at 92,701 mga magsasaka at mangingisda.
Ang pagtaas sa datus ng pinsala ay bunga ng updated reports mula sa Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas at karagdagang reports mula sa Ilocos Region at Eastern Visayas.
Ayon sa DA ang pinsala at pagkalugi ay katumbas lamang ng isang porsiyento ng tinatayang total rice production hanggang sa pagtatapos ng 2019.
Base sa buwanang projection, ito ay nasa 9 % lang na pagkalugi sa projected December production. Habang ang tinatayang percentage loss sa corn production ay 1.56% lamang.
Pagtiyak pa ng DA na nakahanda na rin silang magbigay ng financial assistance sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda.