Internal organs ng ika-150 suspected Dengvaxia casualty, nawawala – PAO

374

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Public Attorney’s Office na nawawala ang internal organs ng ika-150 suspected Dengvaxia casualty.


Bunga nito, sinabi ni Dr. Erwin Erfe, head ng PAO Forensic Team na pansamantala nilang tinigil ang forensic examination sa labi ng dose anyos na batang babae.

Una nang kinumpirma ni Dr. Erfe na tatlong beses na naturukan ng Dengvaxia anti-dengue vaccine ang naturang biktima.

Binawian ng buhay ang nasabing dose anyos na biktima nitong nakalipas na Marso.

Nanindigan naman si PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta na tuloy ang kanilang pagtulong sa aniya’y mga biktima ng Dengvaxia.

Sa harap ito ng sinasabing pag-ipit sa budget ng PAO Forensic Laboratory nina Senador Franklin Drilon, Sonny Angara at Representative Janette Garin na isa sa mga pangunahing respondents sa mga kasong isinampa ng PAO laban sa mga nasa likod ng anti-dengue vaccine program ng Department of Health o DOH.

Facebook Comments