Pinsala sa Sektor ng Agrikultura sa Ilagan City, Umabot sa 200 Milyon

*Cauayan City, Isabela*- Mahigit dalawandaang milyong piso ang inisyal na pinsala sa sektor ng agrikultura sa Siyudad ng Ilagan, Isabela matapos makaranas ng malawakang pagbaha dulot ng pag uulan sa malaking bahagi ng lungsod.Ito ay batay sa naging ulat ng City Agriculture Office.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction Reduction Management Office, mahigit sa 11 na libong ektarya na mga pananim na kinabibilangan ng maisan, palay at gulayan ang napinsala sa ilang barangay sa lungsod.

Maliban dito, napinsala din ang malaking bahagi ng palaisdaan at livestock sa ilang barangay sa siyudad.


Samantala, umabot sa mahigit 10 milyong piso ang inisyal na pinsala sa sektor naman ng imprastraktura sa lungsod na pawing nasira ang mga streetlights at railing ng mga tulay

Kaugnay nito, mahigit sa labinlimang libong pamilya ang apektado pa rin ng naranasang pagbaha sa malaking bahagi ng lungsod.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang clearing operation sa mga kabahayan at lansangan dahil sa makapal na putik dulot ng pagbaha.

Facebook Comments