Cauayan City, Isabela- Tinatayang nasa mahigit P2 bilyong piso ang halaga ng iniwang pinsala ng Bagyong Ulysses sa sektor ng imprastraktura sa buong lambak ng Cagayan.
Ayon kay Information Officer Wilson Valdez ng DPWH Region 2, possible pang madagdagan ang halaga ng pinsala sa kabila ng patuloy na ginagawang assessment sa mga kalsadang napinsala ng kalamidad.
Sinabi rin nito na marami ang naitalang pinsala sa mga flood control system at mga pangunahing daan.
Kaugnay nito, umaasa naman na mabibigyan agad ng sapat na pondo ang pangrehiyong tanggapan upang mapadali ang pagsasaayos sa mga nasirang daan sa ilang lugar sa rehiyon.
Ayon ka pa kay Valdez, maaari ng madaanan ang ilang major roads sa rehiyon makaraang bayuhin ng malakas na pag-uulan.
Pinapayuhan naman ang publiko na tiyakin na ligtas sa pagbiyahe at maglaan aniya ng mahabang pasensya kung makakaranas man ng matinding trapiko.