Cauayan City, Isabela- Aabot sa P551 million ang iniwang pinsala ng Bagyong Ulysses habang 10 ang naitalang patay sa pananalasa nito sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ayon kay Governor Carlos Padilla, nakapagtala ng higit P186 milyon sa pinsala ng Agrikultura; Livestock na may higit P6 milyon habang mahigit P347 milyon sa imprastraktura.
Nakapagtala din ng pinsala sa mga paaralan na umabot sa P9,900 habang sa irrigation damage ay P63,057.
Maliban dito, ang mga naitalang casualty sa probinsya ay pawang mga naninirahan malapit sa minahan ng FCF mineral incorporated.
Nagpaabot na rin ng tulong ang provincial government para sa pamilya ng 15-taong gulang na bat ana biktima ng landslide sa Sitio Kinalabasa, Runruno, Quezon.
Kasalukuyan na rin na pinag-aaralan ang gagawing planong rehabilitasyon sa mga lugar na napinsala ng bagyo.