Pintor patay sa pamamaril sa Kabacan

Patay ang isang pintor matapos mabaril sa Kabacan, North Cotabato, sa harap ng COTELCO sa Rizal Avenue, Kabacan, North Cotabato, hapon nitong Lunes.
Tumama ang bala sa kanang bahagi ng kanyang mata at tumagos sa likod ng kanyang ulo na naging dahilan ng pagkamatay nito ayon pa sa Kabacan PNP. Kinilala naman itong si Gerry Gecain Mascarinas, 50-anyos, at residente ng Quirino St.
Hindi parin tukoy ang suspek at patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa posibleng motibo sa krimen. (APRIL PIQUERO, NDU ABCOMM)

Facebook Comments