Manila, Philippines – Kinuwestyon ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pag-apruba ng Kamara sa draft federal constitution.
Nabatid na nag-adjourn na ang Kongreso nitong nakaraang linggo na hindi pinasa nag ₱3.757 trillion 2019 national budget.
Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez na sa halip na ipasa ang 2019 national budget sa tamang oras, mas inuna pa ng mga kongresista ang charter change.
Iginiit ni Gutierrez na ang pagpasa sa national budget na pinakamahalagang legislative work ng mga mambabatas.
Dagdag pa niya – ang draft federal charter na binuo ng Kamara ay hindi isinusulong ang federalism ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, ang mga mambabatas lang muli ang makikinabang nito at hindi ang publiko dahil sa pagtatanggal ng ilang probisyon gaya ng anti-dynasty at pagpapalawig ng term limit para sa mga senador, kongresista at party-list representatives.
Binanggit din ni Gutierrez na nakailang beses na nagkaroon ng re-enacted budget sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Naniniwala si Gutierrez na ang paggamit ng previous year’s budget ay madaling kurakutin.