NASABAT | Mahigit P10-M halaga ng droga, nasamsam sa Cebu

Cebu City – Aabot sa 1.6 kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa isang 21-anyos na babae sa Cebu City.

Ayon kay Chief Inspector Regino Maramag Jr., Pardo Police Station Chief, nagkakahalaga ng P10.8 milyon ang shabu na nakuha mula sa suspek na si Jeanrea Tabalin.

Aniya, mahigit tatlong linggo nilang sinubaybayan ang suspek lalo at sa kaniya umano binabagsak ang droga na siyang binebenta naman sa mga lungsod ng Northern Cebu at Cordova.


Sabi ni Maramag, pinag-aaralan na nila ang nakuhang cellphone ng suspek na pinaniniwalaang ginagamit nito sa pakikipagtransaksyon sa kaniyang mga parokyano.

Facebook Comments