PINUTOL NA COCO LUMBER NAKUMPISKA

PINUTOL NA COCO LUMBER NAKUMPISKA. Nakumpiska ang illegal na pinutol na Coco Lumber sa Highway ng Barangay Banbanon, San Francisco, Surigao del Norte. Ang mga tauhan ng San Francisco Municipal Police Station sa pangunguna ni SPO2 Mark Oliver M Cillo ang hinarang ang isang IZUSU Elf Truck, kulay yellow at may plate no. RJA 137 karga ang iba’t ibang pinutol na coco lumber na umabot ng 1200 board feet. Nang kinunan ng mga kaukulang papeles ang driver, wala itong maipakita kaya impounded ngayon ang sasakyan. An driver ng Elf truck ay kinilalang si Mark Leo P. Polinar, 24 taong gulag, naninirahan sa Purok -5 Taganito, Brgy. Claver, Surigao del Norte. Ang tinuturong may-ari naman ng coco lumber ay isang Numer Orillo, 36 taong gulang at naninirahan sa Brgy. Amontay, San Francisco, Surigao del Norte.

Sent from my iPhone

Facebook Comments