Pipino – napagkamalang bomba ng isang lolo sa Germany!

Germany – Nabulabog ng false alarm ang mga residente sa Bretten dahil sa umano’y natagpuang World War II – era bomb sa bakuran ng isang 81-anyos na German.

Sa halip na bomba, isang malaking zucchini o pipino pala ang nakita ni lolo sa kanyang bakuran!

Aniya, kakaiba kasi ang kulay ng pipino kaya napagkamalan niya itong pampasabog.


Itinapon na lang ng mga pulis ang pipino at hindi na tumawag pa ng bomb-disposal team.

Facebook Comments