PIRMADO NA | PNP at AFP, magiging katuwang ng COMELEC sa Barangay at SK Elections

31

Manila, Philippines – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang memorandum order number 21 na nag-uutos sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na tulungan ang Commission on Elections (COMELEC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa May 14.

Layon ng MO number 21 na i-deputize ang AFP at PNP sa COMELEC resolution 10207 para masigurong magiging maayos, malaya, payapa at credible ang isasagawang barangay elections.

Maliban sa law enforcement agencies, inaatasan rin ng Pangulo ang iba pang kinauukulang ahensiya na makipagtulungan sa COMELEC sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin.

Facebook Comments